Friend na sipsip kay bosing

Dear Ateng Beth,

Anong gagawin ko sa friend ko na officemate ko rin?

Matagal na kaming magkaibigan bago pa kami naging magka-officemate. Kaya sa totoo lang po, masyado na kaming comfortable sa isa’t isa.

Pero recently ay nagbago po ang treatment niya sa akin dahil yung boss namin in-appoint siya bilang kanyang personal secretary.

Happy naman po ako sa kanya dahil promoted siya. Kaya lang po nagbago na ang ugali niya.

Masyado na siyang sipsip sa boss namin, kasi nilalaglag niya kami na dati niyang mga kasamahan sa trabaho.

Nakikihalubilo siya sa amin, pero yung mga napag-uusapan at mga chikahan namin isinusumbong niya sa boss namin.

Dalawang katrabaho na po namin ang nasuspend dahil ichinu-chu niya.

Sinabihan ko na siya tungkol sa ginagawa niya pero nagalit siya sa akin. Kaya yung dating “kalokohan” namin nakarating na rin sa boss namin at ngayon ay mainit na ang mata sa akin ng boss namin.

Anong maipapayo mo sa akin, ateng?

Tulungan mo ako.

Dan, 34, Pasay City

Hello sa iyo Dan! Di ko alam kung babae ka or lalaki.

Pero that’s beside the point dahil pwede namang pang girl or pang boy, e di lalo nang pang LGBT ang payo ni ateng.

Kung nagawa n’yo nang komprontahin si personal secretary at siya pa ang nagalit, dalawa ang pwede ninyong gawin.

Una, mag ingat sa mga pinagkukwentuhan ninyo. ‘Wag kasi kayo sa loob ng opisina maglabas ng mga hinaing ninyo sa trabaho. Remember, may tenga ang mga pader ng opisina ninyo, at yan na nga, may sipsip kay bosing.

Hindi n’yo rin naman siya masisisi, sa isang banda kasi kaya nga personal secretary siya, dapat alam niya lahat ng nagaganap at usap-usapan sa opisina at sasabihin kay bosing. Kaya nga siguro siya kinuhang secretary dahil sa mahusay siyang mag-chuchu, hehehe.

On the other hand, huwag na ninyo siyang isama sa mga lakad at bonding ninyo. Iparamdam ninyo sa kanya na galit kayo sa ginagawa niyang panlalaglag sa inyo.

So kunwari nagkakainan kayo, tapos dadating siya at makiki-join, e di bigla kayong manahimik as in sabay-sabay na walang kikibo.

Or umiwas kayo sa company nya kung may iba pa kayong mapupwestuhan.

Yun nga rin syempre, for sure magagalit siya sa inyo at malamang mas lalo kayong pag-iinitan.

Or pwede rin namang itigil ninyo na kung anong kalokohan ninyo para walang butas na mahahanap sa inyo.
Isa pa naandyan kayo sa opisina para magtrabaho at hindi mag-chikahan.

Kaya para di kayo mabutasan, aba’y gawin ninyo nang maayos ang trabaho ninyo at huwag puro kalokohan.

Read more...