Alden itinanghal na 2018 Sexiest Man in the Philippines


WAGI ang Pambansang Bae na si Alden Richards bilang Sexiest Man in the Philippines para sa online poll na isinagawa ng isang entertainment blog.

Nakakuha ang lead star ng seryeng Victor Magtanggol ng 39.83% votes mula sa mga netizens.

Ayon sa statement ng Starmometer blog, si Alden lang ang Kapuso star na nakakuha ng nasabing titulo since the annual poll began 11 years ago. Ang winner last year na si James Reid ang number 2 sa botohan this year.

Samantala, mukhang tanggap na rin ng ilang fans ni Alden ang tambalan nila ni Janine Gutierrez sa Victor Magtanggol dahil wala na kaming masyadong nababasang nega tungkol sa kanila.

Read more...