Komedyante rumaraket bilang bugaw, ilang female celebrity ibinebenta na parang karne


PALAGING may karay-karay na artista ang isang komedyante. Kundi man sa mga five-star hotel ay sa mga casino niya dinadala ang mga babaeng bitbit niya.

Alam na this, sabi nga ng mga miron, siguradong may nagaganap na milagro basta may kasamang magandang babae ang komedyante.

Kuwento ng aming source, “Basta nakita na siyang may kasamang babae, asahan mo nang sabay silang aakyat ng girl sa hotel, tapos, mag-isa na lang siyang bababa.

“Siyempre, nakangiti na ang komedyante, mission accomplished na kasi siya, naideliber na niya ang girl sa destinasyon. Nu’ng minsan, ang bitbit ng komedyante, e, ‘yung controversial actress.

“Natural, nagbubulungan ang mga utaw sa hotel-casino nu’ng makita silang magkasama. Ano pa nga ba naman ang gagawin du’n ng babae, e, hindi naman siya magsusugal?

“Isusugal niya ang katawan niya, ‘yun lang ‘yun, siya ang machine na pipindut-pindutin ng guy na makakasama niya nang panandalian lang.

“Waiting lang sa casino area ang comedian, kailangan niyang maghintay, dahil commissioner siya that night. Kailangan niyang makuha ang komisyon niya, or else, baka matakbuhan pa nga naman siya!” tawa nang tawang chika ng aming source.

Nu’ng minsan ay naging abala na naman sa pagbubulungan ang mga sugarol dahil ang nakita nilang bitbit ng komedyante ay ang seksing artista na madalas i-bash sa social media.

“Paano naman siya hindi iba-bash, e, napakamilagroso ng hitsura niya? Bigla na lang nagbabagong-anyo ang babaeng ‘yun sa kasasalang sa kung anu-anong operasyon.

“Habang dumadaan sila ng comedian sa karamihan ng manunugal, e, pinagpipistahan sila, buhay na naman daw ang dugo ng komedyante, dahil commissioner na naman siya!

“Ilang oras lang pagkatapos, e, susunduin na ng komedyante ang girl sa kuwartong pinagdelibiran niya, panalo! May datung na naman ang komedyante!

“E, ano ngayon kung wala siyang maraming shows? E, mas malakas naman ang kinikita niya sa pagiging delivery chuchu ng mga karne, di ba naman?” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kilalang-kilala n’yo ang komedyanteng ito, siguradong hindi kayo uupo sa Row 4 na katabi ang mabantot na basurahan.

Read more...