Vice Ganda sa hater: Kung tumulong ka rin sana kesa magbunganga ka…!


BUMUWELTA si Unkabogable Star Vice Ganda sa isang basher na nambasag sa kanyang Instagram post tungkol sa dalawang gown na isinuot niya sa nakaraang ABS-CBN Ball.

May kanegahan kasing comment ang isang netizen sa pagsusuot niya ng designer gown sa nasabing charity event na obviously ay hindi nagustuhan ng TV host-comedian.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Vice ang kanyang photo suot ang bongga at mamahaling silver gown na gawa ni Michael Cinco, nilagyan niya ito ng caption na, “My unkabogable couture gown for the Bantay Bata program of the ABS-CBN Ball 2018 made by the fantastic Furne One.”

Sa comment section, isang hater ang nagsabing, “Kung nag-donate na lang sana mga pinagpagawa ng mga gown, ‘yung ginastos sa Makati Shang, sana mas madami fund napunta sa Bantay Bata. Just saying. No hate.”

Ito naman ang resbak sa kanya ni Vice, “At kung tumulong ka rin sana kesa magbunganga at mang nega baka nakadagdag ka sa mga nalikom na pera. Just saying. No hate.”

Marami naman ang nagtanggol kay Vice at talagang kinuyog ang kanyang basher. Wala raw itong karapatan na laitin si Vice dahil marami na itong natulungan.

Read more...