After that chikahan with the Angaras, dumiretso kami sa Faces and Curves. Doon kami nagkita uli ni Baron Geisler at masayang nakipagtsikahan sa mga mahal naming sina Dr. Jay at Dra. Sheila Recasata and their trusted staff (who all know how to observe and practice the rule na ‘what you see, what you hear, when you leave, leave it there!’)
Tahanan din kasi ng mga kilalang celebrities ang naturang klinika sa Annapolis, Greenhills gaya nina Kim Chiu, Kaye Abad, Maricar de Mesa, Jason Abalos, ang partner kong si Gretchen Fullido, Jayson Gainza, Maja Salvador, Kylie Padilla, Kathryn Bernardo, Jewel Mische, Aaron Villaflor at marami pang iba from Kapamilya, Kapuso at Kapatid networks.
Sa pakikipag-kumustuhan namin kay Baron ay naitanong namin dito ang latest update sa “guilty judgement” na ibinigay sa kanya ng korte hinggil sa isinampang kaso ng anak nina Yayo Aguila at William Martinez. “If worse comes to worst at kung matatalo kami sa aming apela, mga six months na community service ang bubunuin ko,” pahayag ng aming kababayan from Naga City.
“Pero i-aapela namin at lalaban kami hanggang sa huli,” hirit pa nito. Masaya ang aktor nang aming makatsikahan. Kasama pa niya ang kanyang non-showbiz GF na very supportive sa kanya. “We all learn from our mistakes. Ang mahalaga naman siguro ay yung may ginagawa ka at gagawin pa para ayusin at gawing positibo yung mga negative na bagay na ibinato sa iyo kahit na wala kang kinalaman o kasalanan.
Iba ang mundong ito (showbiz) but I learned to realize and accept even the harshest things thrown at me. Ganu’n talaga,” paliwanag pa nito. Natapos na pala nito ang isang international movie entitled “Waves” kasama ang ilang foreign actors. Bida din siya sa “Sapi” ni direk Brillante Mendoza kasama sina Meryll Soriano at Dennis Trillo.
Yun nga raw yung pumalit sa tinanggihan nilang “Lihis” kung saan dapat kasama niya si Jake Cuenca, “Too much of kabadingan na daw for me sabi ng manager ko. Nagawa ko na raw maging gay sa ‘Jay’ kaya huwag muna uli,” depensa nito.
Naikuwento namin ang trailer ng movie at sinabi naming nakakaloka ang mga intimate sex scenes nina Jake Cuenca at Joem Bascon (pumalit sa kanya) sa movie. “Parang hindi mo kakayanin yung mga torrid kissing and mga sex scenes nila na hubo’t hubad,” sey namin dito. “Malamang. Baka nga,” hirit naman ni Baron.