Maiyak, matawa, mabwisit at ma-in love sa hugot movie na ‘Para Sa Broken Hearted’


NAIYAK. Natawa. Nabwisit. Naka-relate.

Yan ang mga naramdaman namin habang pinanonood ang bagong pelikula ng Viva Films na “Para Sa Broken Hearted” na hango sa best-selling book ng hugot novelist na si Marcelo Santos III.

I must admit, hindi kami masyadong nag-expect sa pelikula na pinagbibidahan nina Yassi Pressman, Sam Concepcion, Louise delos Reyes, Shy Carlos at Marco Gumabao. Pero in fairness, super palakpak din kami na may kasamang hiyaw after ng premiere night last Monday.

Simula pa lang ng movie ay siguradong makaka-relate na kayo sa ipinakitang iba’t ibang uri ng pagiging broken hearted. Yung ibang nanood nga ay napapahiyaw at nagtutuksuhan pa dahil feeling nila sila ang nasa eksena.

Ang “Para Sa Broken Hearted” na idinirek ni Digo Ricio ay kuwento ng apat na kabataan na nakaranas ng iba’t ibang klase ng sakit nang dahil sa pag-ibig. Si Yassi ay gumaganap bilang si Shalee, isang photography enthusiast na may sakit sa puso at matagal nang may gusto sa loner at weird niyang kaklase na si Alex played by Sam.

Shy is playing Jackie na matindi ang paniniwala sa girl power hanggang sa makilala niya at maging boyfriend ang paasa, pa-fall at manlolokong varsity player na si RJ na ginagampanan naman ni Marco.

Biktima rin ng panloloko si Kath na ginagampanan ni Louise na pilit kinakalimutan ang ex-dyowa until she met Dan na nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal kahit na wala pa silang 24 oras na magkakilala.

Exciting at unpredictable ang takbo ng kuwento ng “Para Sa Broken Hearted” na nagsimula sa mala-musical na love story nina Shy at Marco. In fairness, napakagaling ni Shy sa pelikulang ito, at sigurado kami na mamahalin n’yo ang karakter niya bilang si Shalee na nagpakatanga sa lalaki pero pinilit maka-move on at hindi sumuko sa paniniwala niya na totoong may forever.

Magkahalong awa at galit factor naman ang na-feel namin sa mga eksena ni Louise na tina-try hanapin ang kanyang sarili matapos lokohin ng lalaking tunay niyang minahal. Pero ang talagang nakaka-touch at nakakaiyak na mga tagpo ay sa love story nina Shalee at Alex (Yassi at Sam) na tunay na nagmahalan pero hindi nabigyan ng chance na magkaroon ng “forever” dahil isa sa kanila ang kailangang mawala.

Maganda ang pagkakabuo o editing ng pelikula, bongga rin ang mga hugot lines ng mga bida (at kontrabida) na siguradong tatagos sa inyong mga puso.

Sa katunayan, ilang beses kaming napaiyak habang nanonood ng “PSBH” kahit na hindi naman ganu’n kadrama o kabigat ang mga eksena. Ibig sabihin, hindi forcing through ang movie, hindi nito kailangang magpaka-serious para iparamdam sa manonood ang sakit ng pagiging broken hearted.

May millennial touch ang movie dahil sa mga “pa-special effect” ni Direk Digo, pero sure kami na magugustuhan din ito ng mga titas at titos of Manila, lalo na ‘yung mga manloloko at naging biktima rin ng mapaglarong pag-ibig. At hintayin n’yo ang twist sa ending dahil tiyak na hindi n’yo kakayanin ang kilig at pampa-good vibes na hatid nito.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Para Sa Broken Hearted” mula sa Viva Entertainment at Sari Sari Films. Watch na kayo dahil sure na sure kami na hindi masasayang ang effort at ipambabayad n’yo sa sinehan. Hindi lang ito basta usual barkada movie na puro pakilig, maraming aral na mapupulot dito.

Read more...