WALA sa listahan ng narco-list ang pinaslang na mayor ng Supiden, La Union na si Mayor Alexander Buquing, ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana Jr.
Napatay si Buquing matapos siyang tambangan, kasama si PO2 Rolando Juanbe at ang driver na si Boni Depdepen Lunes ng gabi.
Sugatan naman ang kanyang misis na si Vice Mayor Wendy Joy Buquing sa ambush.
Sinabi na Durana na bumuo na ang PNP ng national investigation task force para imbestigahan ang pagpatayvsa mga lokal na opisyal.
Pang-11 si Buquing sa mga mayor na napapatay sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Duterte.
Anim na vice mayor naman ang napaslang sa kasalukuyang administrasyon.
MOST READ
LATEST STORIES