Game ka sa P20 daily wage hike?

INUNAHAN na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pag-anunsiyo kung magkano ang sahod na ibibigay ng wage
board kahit kasisimula pa lamang ang public consultation hinggil sa wage petitions na nakahain ngayon.
Hindi bababa sa P20 umano ang dagdag sahod na ibibigay ng board para sa minimum wage workers sa Metro Manila.

Pero under the prevailing circumstances na tumataas ang presyo ng mga bilihin, di ba dapat more than P20 ang increase?
Bakit sa Region 7, P40 plus ang dagdag-sahod at P56 naman sa Davao region?

Hay naku! Ano ang ibig sabihin niyan?

Noong July pa kasi nag-file ang isang labor group ng P320 wage increase para
maumentuhan ang kasalukuyang P512 minimum wage rate sa Metro Manila.
Ito nga ay dahil sa tindi ng inflation na dinaranas ng bansa ngayon.

Batay kasi sa monitoring, lumalabas na bumagsak na sa P208 hanggang P287 na lamang ang average buying power of minimum wage for all minimum wage earners nationwide including Metro Manila.

Regardless of how much is the wage increase, hindi ba dapat tumulong din ang gobyerno sa kalagayan ng working force.

Maraming magagawa ang gobyerno bilang non-wage benefits para sa mga workers and their families gaya ng lower the price of electricity and water costs. Maari rin na kontrolin ang presyo ng mga basic commodities.

Kaya lang, parang hindi ito ang priority ni Mayor Digong.

Ikaw, anong masasabi mo rito? I-text ang iyong opinyon sa 09275373810.

Read more...