Lalaban o babawi: Regine may paramdam sa isyu ng paglipat

Speaking of Regine Velasquez, muling nag-init ang social media nitong nakaraang Linggo ng gabi dahil sa mga naging pahayag ng Asia’s Songbird sa pagtatapos ng The Clash.

Kanya-kanyang post ng mensahe ang mga netizens tungkol sa tanong kung tuloy na ba ang paglipat ni Regine sa ABS-CBN o mananatili pa rin siyang Kapuso.

Last Saturday um-attend si Regine sa ABS-CBN Ball kasama ang asawang Ogie Alcasid kaya ang paniwala ng kanyang fans, malapit na siyang maging Kapamilya.

Pero sa huling episode nga ng The Clash season one, matapos i-announce ang Ultimate champion nag-dialogue si Regine ng, “I just want to say thank you to my GMA family, thank you for having me as your Clash Master. See you guys next year!”

Bago pa ito, kinumpirma rin ng Songbird na magkakaroon agad ng season 2 ang The Clash na magsisimula sa 2019. At dahil dito, maraming fans ang nagsabi na mukhang mananatiling Kapuso ang Songbird until next year.

Nag-away-away pa nga ang mga ito dahil sa isyu. Marami ang nagsabing huwag na sanang lumipat si Regine sa ABS-CBN dahil reynang-reyna naman siya sa GMA.

“You will forever be a Kapuso @reginevalcasid I watched your special episode taping and nakaramdam ako ng sepanx at kalungkutan. Paano na ang station ID ng GMA. It will never be the same. Mahal ka namin Songbird!”

“Kung lilipat ka sa ABS, napakasakit naman at napakalungkot. Pero buhay mo yan. So siyempre prority mo buhay mo so goodluck na lang po.”

Hanggang ngayon ay wala pang official statement si Regine tungkol sa kanyang paglipat sa Kapamilya Network.

Anyway, sa kanyang Instagram account, binati rin ni Regine si Golden sa pagkapanalo nito sa The Clash,

“Congratulations to our very first Clash winner Golden Cañedo. Congratulations also to our top 12 we are so proud of all of you.

“Thank you to my GMA family for having me as your Clash Master. Thank you everyone for watching. One more time with feelings….‘The Clash isa laban sa lahat!!!!!!!!!!!!!! Super high notes!!!”

Read more...