MATINDI ang ginawang sakripisyo at pagpapanggap ni Jake Zyrus noong kasagsagan ng internatio-nal career niya bilang si Charice.
Ito raw yung bahagi ng kanyang buhay na hirap na hirap siyang itago kung sino talaga siya at kung ano ang totoong gusto niya sa buhay. Naging kilala si Charice sa buong mundo dahil sa guesting niya sa mga talk show nina Ellen deGeneres at Oprah Winfrey.
Nakasama rin niya sa mga show ang mga international artists tulad nina David Foster at Celine Dion. At nagpapasalamat daw siya sa mga taong ito na nagtiwala at naniwala sa kanyang talento.
“I think ‘yun ‘yung pinakamahirap na pinagdaanan ko, ‘yung time na I was in that situation. Ang hirap sundin ng napi-feel ko because nakikita ko ‘yung lahat ng tao sa paligid ko na masaya,” sey ni Jake sa panayam ng Headstart sa ANC.
Aniya pa, “Nandoon pa ‘yung fear ko sa kung anong iisipin nila if ever na sasabihin ko kung sino talaga ako at kung ano talaga ako.”
Noong 2013 ibinandera ni Jake ang tunay niyang pagkatao, pero ang pagtanggap sa kanya ng mga tao bilang tomboy ay iba pa rin sa nararamdaman niya dahil para sa kanya hindi siya tibo kundi isang lalaki.
“Noong time na ‘yun, ‘yun ‘yung pinaka-frustration ko kasi I understand—kung lesbian ako, it wouldn’t be a problem sa akin na androgynous yung mga porma, but yung fear nandu’n pa rin. I was really scared to talagang biglain na ‘no, hindi talaga, hindi ako ganu’n,'” paliwanag pa niya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin tanggap ng kanyang pamilya si Jake Zyrus lalo na ng inang si Raquel Pempengco at isa raw ito sa rason kung bakit inaatake pa rin siya ng depression. Dito inamin niya na “complicated” pa rin ang status nilang mag-ina, “And it’s better that way.”
“I’m not throwing them away as my family. Kumbaga sa akin, nandoon ‘yung respeto kong alam kong family ko sila, alam kong nanay ko siya, kapatid, lola,” dagdag pa ni Jake.
“I guess nandoon ‘yung longing na maybe someday, something will change. Pero at the same time, what makes me feel better is iniisip ko ‘yung katotohanan kasi in that way, masaktan man ako, mas less ‘yung mapi-feel kong umaasa ako kasi I know my family.
“People would tell me na someday, it will change. But what if it won’t change?” chika pa ni Jake Zyrus.