Kalat na: Bagong proyekto nina Janella at Elmo haharangin ni Jenine


“MAY project sina Janella Salvador at Elmo Magalona, di ba? Bakit solo lang siya sa ABS-CBN Ball.” Ito ang tanong ng katoto habang nasa coverage ng ABS-CBN Ball na ginanap Shangri-La, Makati City.

Sa pagkakaalam namin ay mayroon pero dahil may personal silang problema ngayon at baka on-hold muna ito hangga’t hindi naaayos ang isyu.

Ayon sa aming source, “Naku, mahabang usapan ‘yan kasi parang ayaw na ng mommy ni Janella (Jenine Desiderio) na ituloy ang project. Nag-uusap pa. ‘Yung kabilang kampo hindi naman nakikipag-usap pa.”

Nagpadala kami ng mensahe sa kampo ni Janella pero hanggang natapos naming sulatin ang balitang ito ay hindi pa kami sinasagot.

Read more...