Idinagdag ni Datol na dapat ay makuha na ng isang umabot sa edad na 90, ang P90,000 at ang nalalabing P10,000 kapag umabot siya ng 100-taon.
Kung posible ay mas maganda umano kung simulan ang pagbibigay nito sa edad na 80. Makukuha na ang P80,000 at P10,000 muli kapag umabot ng 90 at dagdag na P10,0000 sa edad na 100.
“Sa amendment na isinusulong ko, mas maraming senior citizens ang makikinabang sa benepisyong hatid ng RA 10868 at sana’y suportahan ito ng mga kasamahan ko sa Kongreso,” ani Datol.
Ngayong linggo ipinagdiriwang ang Senior Citizens Week.
Noong Agosto ay sumulat si Datol sa Malacanang upang hilingin na amyendahan ang rules ng Centenarians Act.
Inatasan ng Palasyo si Department of Social Welfare and Development acting Sec. Virginia Orogo upang pag-aralan ang panukala.