Pinangunahan ito ni Vice Ganda na naglalayong makatulong sa pangangalaga ng mga batang dumanas ng pang-aabuso o kapabayaan sa pamamagitan. Sa Children’s Village sa Norzagaray, Bulacan, mabibigyan ng agarang kalinga ang mga bata at tutulungan silang gumaling at makabangon ang mga bata mula sa kanilang madilim na karanasan sa pamamagitan ng pisikal at psychological na pangangalaga.
Nagsanib-pwersa naman sina KZ Tandingan, Janine Berdin at Yeng Constantino sa paghandog ng sarili nilang mga bersyon ng hits ni Aretha Franklin, samantalang naghandog ng inspirasyon sina Martin Nievera, Jona at John Arcilla sa medley nila ng “Can You Feel The Love Tonight,” “Not While I’m Around,” at “You Raise Me Up.”
Binuksan naman nina Daniel Padilla at Gary Valenciano ang programa sa awiting “Girl From Ipanema/LOVE,” habang pinaindak naman nina Inigo Pascual at Billy Crawford hanggang sa dulo ang mga attendee sa kanilang performance ng “Girls Like You.”
Ang ABS-CBN Ball ay pinangunahan ng host na si Boy Abunda, at dinaluhan ng pinakamalalaking stars ng ABS-CBN gaya nina Judy Ann Santos-Agoncillo, Angel Locsin, Coco Martin, Vice Ganda, Anne Curtis, Sarah Geronimo, Kim Chiu, Erich Gonzales, Bea Alonzo, Jodi Sta. Maria, Maja Salvador, Jericho Rosales, Angelica Panganiban at Piolo Pascual, at pinakamaiinit na love teams gaya nina Nadine Lustre at James Reid, Maymay Entrata at Edward Barber, Kisses Delavin at Donny Pangilinan, Julia Barretto at Joshua Garcia, Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Dumalo rin sa event ang beauty queens na sina Catriona Gray, Pia Wurtzbach, Kylie Verzosa, Nicole Cordoves, at Ariella Arida.
Nakisaya rin sa pagdiriwang ang ABS-CBN executives kabilang na ang chairman emeritus ng kumpanya na si Gabby Lopez, chairman na si Mark Lopez, president at CEO na si Carlo Katigbak, chief content officer na si Charo Santos-Concio, COO for broadcast na si Cory Vidanes, Freddie Garcia, at Star Magic head Mariole Alberto at chairman emeritus Johnny Manahan.
Nakibahagi naman ang Kapamilya fans mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo sa kanilang all-out na pagsuporta at pag-post tungkol sa selebrasyon kaya naman umangat sa worldwide trending topics ng Twitter ang official hashtag ng okasyon na #ABSCBNBall2018.