Nasawi ang habal-habal driver na si Elizer Englisa, 45; at mga sakay niyang sina Ciela Tariman, 41, at Myriel Quiño, 1 taon at 7 buwang gulang, ayon sa ulat ng Zamboanga Peninsula regional police.
Naganap ang insidente dakong alas-2:30, sa Purok Asuncion, Brgy. Inasagan.
Sinabi sa pulisya ni Cresencio Tanghal Jr., backhoe operator ng Rudhil Construction & Enterprises Inc., na ino-operate niya ang equipment pero kinailangang tumigil dahil sa malakas na ulan, hanggang masalpok ng motor ang bakal na bucket.
Nagtamo ng matinding pinsala si Englisa at kanyang mga pasahero kaya dinala sa Aurora Community Emergency hospital sa Brgy. Cabilinan, ngunit di umabot nang buhay sina Ciela at Myriel.
Binawian ng buhay si Englisa isang oras matapos iyon, ayon sa pulisya.
Sumuko sa pulisya si Tanghal dakong alas-3 at kasalukyang iniimbestigahan.