Kris umamin sa feelings kay Rayver: Ini-stalk ko siya!

RAYVER CRUZ AT KRIS BERNAL

Umamin si Kris Bernal na crush na crush niya noon ang leading man niya sa bagong serye ng GMA na si Rayver Cruz.

Magsasama ang dalawa sa seryeng Asawa Ko, Karibal Ko kung saan makakasama rin nila si Thea Tolentino. Ito ang unang pagkakataon na magkakatrabaho sina Rayver at Kris kaya excited na ang dalaga.

“As in pinapanood ko siya lagi, tapos ini-stalk ko siya. Ganoon kalala! As in crush ko talaga siya noon. Oh my gosh, hindi niya alam ‘yan,” pahayag ni Kris sa interview ng GMA.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Hindi ko akalain na shucks, makakatrabaho ko na siya.”

Kumusta naman ang unang sabak nila sa taping? “Kuwela na parang welcoming ‘yung feeling niya para sa mga tao. Kahit first time naming mag-meet parang pwede na agad na chummy-chummy.”

Medyo kontrobersyal ang tema at kuwento ng bagong serye nina Kris at Rayver kaya siguradong aabangan na naman ito ng manonood.

Read more...