Maharot na female celebrity tinawag na anaconda, mahilig mang-agaw ng dyowa

NAGKAROON pala nu’n ng pagkakataon na iniiwasan ng kanyang mga kasamang artista ang isang young female star na kung tawagin ng mga ito ay mas mabilis pa sa kidlat kung mang-agaw ng karelasyon.

Seryoso man o fling-fling lang ay matindi kuno ang agimat ng babaeng ito na mabilis pa sa alas-kuwatro kung kalalakihan ang pag-uusapan.

Siya ang young female personality na madalas makaladkad ang pangalan sa pakikipagrelasyon sa mga lalaking meron nang girlfriend.

Mabilis na chika ng aming source, “Kung tawagin siya nu’n nang palihim ng mga kasamahan niya, e, Ana.

“Ana for anaconda! Kasi nga, mahilig siyang makipaglapit sa mga male stars na alam niya namang meron nang karelasyon,” unang chika ng aming impormante.

Bukod kasi sa maganda na ang young female personality ay napakalakas pa ng kanyang charisma.

Ikalawa, walang nakakaalam kung kanino siya nagmana pero magaling talaga siyang gumawa ng paraan para makuha ang atensiyon kahit ng mga lalaking may mga karelasyon na, panalung-panalo siya.

“Iba siyang mag-operate! Ibang klase siya. Sa tingin pa lang niya, e, parang nama-magnet na niya ang lalaki. Biglang nagkakaroon na ng interes sa kanya.

“Inpernes sa girl, hindi na niya kailangang gumawa ng paraan para ma-win ang attention ng kahit sinong lalaki. Face lang niya, puhunan na!

“Minsan lang niyang makasama ang guy, e, siguradong ‘yun na! Getlak na niya ang lalaki, sa totoong-totoo lang!” isa pang source ang nagkuwento.

May mga natuloy na karelasyon ang young female personality, meron din namang hindi, pero may nakakalokang kuwento tungkol sa mga lalaking hindi niya lantarang nakarelasyon.

Balik-chika ng aming source, “Nakakaloka talaga ang babaeng ‘yun! Hindi man sila tuluyang naging magkarelasyon ng ibang nakuha niya ang attention, e, naka-fling pa rin niya!

“Magaling talaga siya, kaya there was a time na pinaiiwasan siya ng mga kasamahan niyang girls sa kanilang mga boyfriend! Kasi nga naman, baka any monument, e, magetlak niya ang mga kalalakihan!

“Maharot ang lukresyang ‘yun, maharot talaga siya!” nakataas ang kilay na kuwento pa ng aming chikadorang source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, mahaharot din ba kayo?

Read more...