Mga aso nagtatahulan habang kinukunan ang love scene nina Derrick at Sanya sa loob ng kotse

SANYA LOPEZ AT DERRICK MONASTERIO

SA Hollywood sex-drama film na “50 Shades Of Grey” inihambing ni Derrick Monasterio ang pelikula nila ni Sanya Lopez na “Wild And Free” under Regal Films.

Ayon kay Derrick matitindi ang halikan at love scene nila ni Sanya sa movie pero artistic naman daw ang pagkakagawa. Bukod sa maiinit nilang eksena, napakaganda rin daw ng kuwento nito kaya panalo tiyak ang mga manonood.

Pero nang tanungin namin ang direktor ng movie na si Connie Macatuno kung mala-“50 Shades” ang “Wild And Free”, “Hindi ko napanood ang 50 Shades, eh,” tugon ng direktor kaya hindi niya maikumpara ang dalawang pelikula.

Ano ang mapupulot na aral sa “Wild And Free” bukod sa mga kaelyahan na laman ng pelikula? “May kuwento siya. Ang lesson ay depende sa point of view ng viewer. ‘Yung wild naman is depende sa tao kung ano ‘yung wild niya o freedom,” katwiran ni direk Connie.

Ang maganda raw sa kanilang proyekto ay puwede itong pagdiskusyunan pagkatapos panoorin, kung ano ang dating nito sa mga taong nakapanood.

Natatawang ikinuwento pa ni direk Connie ang first sequence nina Derrick at Sanya na kinunan sa kotse.

Aniya, “Para akong teacher na itinuturo kung ano ang gagawin nila sa kotse at excited sila, sabi nila kung sa likod kukunan, sabi ko ayaw ko sa likod, kasi kung sa likod, e, di sa kuwarto na lang na may kama tayo. At para ma-challenge kayo, gusto ko sa harapan.

“Sabi ni Derrick, ‘Hindi kami magkakasya, ang laki ko!’ Sabi ko, magkakasya ka diyan kasi na-imagine ko na at saka Fortuner naman ito. Bago kasi sinyut ang eksena, ang tagal kong nakatitig sa kotse.

“But I haven’t done it in a car, I am a go getter, pero a public place is not my kind of place, parang ganu’n.

“So hindi ko pa nagawa (love making) sa kotse at nakatitig ako at sinubukan ko, kaya nu’ng sinu-shoot ko na sila, ‘okay game, pasok na kayo diyan tapos pinuwesto ko sila, o nagkasya kayo, di ba?

“Sila rin na-shock din na nagkasya sila at kailangan lang pag-isipan sa drivers’ seat. Malaking mama kasi si Derrick kaya hindi pa niya nagawa at sa likod lang niya nagawa, sabi ko nga, napakanormal no’n.

“Tapos sabi ko pa, added challenge ito ha, sana hindi ninyo ma-press ang horn kasi that was about 10 or 11 p.m., tapos nagri-rain effect kami, so mabubulabog ang mga kapitbahay. So tuwing mabubusina, nagtatahulan ang mga aso, kaya sabi ko, ‘Sanya malalaman nila ang ginagawa natin. Nakikita mo ‘yung mga bahay na ‘yun, 2nd floor makikita nila kayo kaya quiet ka lang.

“I know it was very hard for them to shoot kasi for about an hour na kinukunan, siguro mga thrice tumunog ‘yung horn,” natatawang kuwento pa ni direk.

Kaya ingat na ingat daw ang buong team kasi hindi na kinayang takpan pa ni direk Connie ang 2nd floor ng bahay hanggang first floor lang.

“Para proteksyon na rin, pinalibutan ko ng takip, ‘yung 2nd floor kasi hindi ko na kayang takpan pa kaya nakikita na.

“Nakikita ko rin when they kiss, sakto lang ‘to, the challenge for them is how do they do the intimate scenes with love.

“Kasi it’s so easy to do with libog, but to do with libog and love is ‘yung acting factor nila na titingin ka, tapos ‘yung tingin mo na ‘yun, ‘sh*t mahal ko to.’ At hindi rin garapal ‘yung paghawak sa boobs o nili-lick yung nipples,” kuwento pa ni direk Connie.

Susme bossing Ervin habang nagkukuwento si direk Connie ay parang pinapanood na namin ang pelikula.

As of this writing ay hindi pa napapanood ng MTRCB ang “Wild And Free” kaya wala silang ideya kung anong rating ang ibibigay dito, pero ang target sana nila ay R-13 na ikinagulat namin dahil masyadong bata pa ang edad trese para manood ng may mga sensitibong eksena.

Kasama rin sa “Wild And Free” sina Ashley Ortega at Juancho Trivino at mapapanood na sa Okt. 10 mula sa Regal Films.

Read more...