“Well, alam mo naman si Presidente, ano. Hindi na naman iyan seryoso ‘no. Sinasabi lang niya iyan, kasi nga palaging sinasabi iyan ang ginagawa niya ano. Pero it’s also na dinidiin lang niya na talagang hindi siya nagnanakaw, pero I don’t think na ang konteksto niyan ay literal,” sabi ni Roque sa isang panayam.
Nauna nang sinabi ni Duterte sa isang talumpati sa Malacanang na ang tanging kasalanan lamang niya ay ang EJKs sa bansa.
“In the first place, hindi naman iyan isang sinumpaang salaysay ‘no, so paano sasabihing self-incriminating iyan. Hindi po. That’s the President po being himself, being playful, being… highlighting the point na hindi siya corrupt,” dagdag ni Roque.
Iginiit ni Roque na binibigyang diin lamang ni Duterte sa kanyang talumpati na hindi siya sangkot sa pagnanakaw sa kaban ng bayan.
“Pinupulaan siya ng EJK pero hindi po siya napupulaan na magnanakaw siya,” ayon pa kay Roque.