Luis pumayag umapir sa 2018 MMFF entry ni Jessy


IN-IMPORT ni Atty. Joji Alonso si direk Dan Villegas para maging director of photography niya kahapon sa unang dalawang sequences sa directorial debut niyang “Belle Douleur” na intended para sa Cinemalaya 2019.

Siyempre, hindi puwedeng tumanggi si direk Dan kay Atty. Joji dahil ang huli ang unang nagbigay ng directorial break niya sa mainstream, sa pelikulang “English Only, Please.”

Kinumusta namin via text ang lawyer-producer tungkol sa mga naging experience niya bilang direktor.

“Mahirap siyang trabaho Jun. Lalo akong sumasaludo sa mga director because of this. From the creation of the script to finding the best locations possible, to overseeing your cast, to many more details.

“Madugo. I’m fortunate to have experienced this,” tugon ni Atty. Joji sa amin.

Bukod sa pagdidirek, hands on din siya sa festival entry niyang “The Girl in the Orange Dress” na pinagbibidahan ni Jessy Mendiola. Two days na lang daw at matatapos na ang principal photography nito.

Kinumpirma rin ng lawyer-producer na special guest si Luis Manzano sa movie.

“Yes, guest si Luis. Super bait niya to have offered to support Jessy,” sabi pa sa amin ni Atty. Joji.

 

Read more...