“I REALLY wish her well, she deserves it!” ‘Yan ang bahagi ng sagot ni Piolo Pascual tungkol sa relasyon ng kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion sa French boyfriend nitong si Pierre Emmanuel Plassart.
“We always want happiness for everyone,” ang pahayag pa ng aktor nang makachikahan ng ilang members ng entertainment media sa presscon ng wellness charity event na “SunPIOLOgy Tr10”.
May communication pa rin ba sila ni KC hanggang ngayon at kung ready na siyang gumawa uli ng project with her ex? “Once in a while, I guess once in a while. Project together? Let’s cross the bridge when it’s there.”
Tungkol naman sa pagkakaroon uli ng anak kahit hindi kasal, “Ayoko, nanay ko ganu’n ang sinasabi, ‘Anak, sige, pagbigyan mo na.’ Buti na lang Kristiyano ako. ‘Anak, sige na, pagbigyan mo na. Tingnan mo nagkakaedad na o, wala pang anak. Kasi ikaw, e.’ Wag naman ganu’n.”
Napag-usapan din sa event ng SunPIOLOgy ang tungkol sa mga bashers, may pagkakataon daw na sumasagot siya sa mga haters pero hangga’t kaya niyang dedmahin ang mga ito ay ginagawa niya.
Pinagsasabihan din daw niya ang anak na si Inigo Pascual na kontrolin ang emosyon at huwag nang makipag-away sa mga bashers.
“Sumasagot yun, e. Mas sumasagot pa sa akin yun, e. Pinapagalitan ko. Sabi ko, ‘Easy ka lang. You don’t have to be pikon. At the end of the day, they just want your attention.’
“Sabi ko, huwag ka na lang sumagot. E, nang-aaway, laking-America. I always tell him, ‘Choose your battles. Huwag mong patulan ang lahat. Don’t share your thoughts on Twitter, Instagram, Facebook.
Kung may gusto kang sabihin, sarilinin mo na lang with close set of friends para walang judgment,” payo ni Papa P sa anak.
Natanong din ang aktor kung tuloy na ba ang muling pagtatambalan nila ni Judy Ann Santos, “It’s not up to me. I told Juday, whenever she is ready. Sana, sana naman bago kami tumanda.