Inaasahang lalagpas sa P750 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office ang pinakamalaking jackpot prize ng lotto sa bansa ay P741 milyon ng Grand Lotto 6/55 na tinamaan ng isang overseas Filipino worker noong Nobyembre 2010. Tumaya ang nanalo sa Olongapo.
Noong Martes, ang jackpot prize ng Ultra Lotto ay umabot sa P734 milyon ang jackpot prize.
Mahirap tamaan ang Ultra Lotto dahil mahigit sa 40.4 milyon ang anim na numerong kombinasyon na maaaring mabuo rito. Nagkakahalaga ng P24 ang taya sa bawat anim na numerong kombinasyon.
Ang halaga na nadaragdag sa jackpot prize ay depende sa dami ng tumaya para sa partikular na bola.
Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Linggo, Martes at Biyernes.
Wala pang tumatama ng jackpot prize ng Ultra Lotto mula noong Pebrero 18.