Sanya, Derrick naghubo’t hubad sa ‘Wild And Free’, wala ring plaster


AKMANG-AKMA raw kay Direk Connie Macatuno ang titulo ng pelikula niyang “Wild And Free” nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio ng Regal Entertainment na mapapanood na sa Okt. 10.

May mga nagulat kasi dahil ang huling pelikula ni direk Connie ay ang “Mama’s Girl” na ipinalabas nitong Enero lang na very wholesome ang tema. Anyare?

Tawang-tawa naman si direk Connie nang makatsikahan namin pagkatapos ng presscon ng “Wild And Free.”

“Ha-hahaha! May nagsabi nga, eh kung autobiography ko itong movie, siyempre kasi kilala nila ako noong dalaga ako na masyado akong wild!” sabi ng direktora.

“But pa-sweet din naman ako. If you remember may ginawa akong pelikula na dalawang babae sa isang pelikula, ‘Romeo And Juliet’, 2006 (starring Mylene Dizon and Andrea del Rosario). Kaya hindi talaga ako sweety as in, pero sweety ako bilang nanay.

“Dito sa movie, it’s a mix of growth, but basically ang highlight ng pelikula ay wala pa namang gumagawa sa love story na merong kine-carry out na intimate scenes ang ganitong edad by a girl director.

“Iba kasi ang execution ng babaeng direktor pagdating sa ganitong scenes, iba rin ang execution ng gay or male direktor. Ako ‘yung excitement ko is sana mabigyan ng voice ‘yung female storyteller on how she wants to show the intimate scenes between a man and a woman?” paliwanag ni direk.

Hindi naman daw nailang si Derrick sa mga ipinagawang eksena ni direk Connie, “Hindi ba dapat ako ang mailang,” birong sagot nito.

Dagdag pa niya, “Wala naman akong nakita, mayroon kaming open communication at klaro naman sa kanila kung ano ang gusto kong makita sa eksena at klaro sa kanila ang value of realism, para authenthic. Sabi ko, ayoko ng halik na parang kiniskis lang.”

q q q

Naintriga tuloy kami nang sabihin niyang may tounge-to-tounge na nangyari sa kanyang mga bida. Wala rin daw saplot sa katawan sina Sanya at Derrick sa ilan nilang eksena, “In some parts, hindi na namin ginamitan ng plaster kasi open na sila sa isa’t isa. We do the scenes na maraming tao at wala na silang pakialam,” natawang sabi sa amin.

Ibig sabihin may mga nakita o nag-hello habang kinukunan ang mga eksena nila? “Secret! Panoorin mo ang movie,” pambibitin ni direk Connie.

Bagama’t wild and free ang personalidad ni direk Conniem, marami na rin siyang nagawang wholesome projects, “Nagti-TV ako rati, (Martin Late At Night, Paraiso, The Substitute Bride, Male Confessions) so may wholesome rin naman. Pero sa movie, yes first time ko ang Mama’s Girl, pero kasi nanay na ako. I’m a mom.

“Ako as a mom, basically hinahango mo lang sa iba’t ibang aspeto ng buhay mo ang kuwento. I research, I talked to them na ganito ang mangyayari, siyempre magbabato rin sila minsan. Kaya basically, relate rin sa akin ang Mama’s Girl,” paliwanag sa amin.

Ano naman ang dating kay direk Connie ng pahayag ni Derrick na habang nagda-dubbing sila ay napapapikit na lang siya sa mga eksena nila ni Sanya at ayaw daw niyang mapanood ang pelikulang “Wild And Free” ng mga kapatid niya.

Biglang humagalpak ng tawa ang direktora, “Even in my Facebook, when I posted the trailer, siyempre may mga friends ako na we usually watched together at sasabihin kung puwedeng isama (mga anak), sabi ko, hindi puwede. Date night nating mga girls ito, it’s not for our kids.

“Even my son, he’s 15, I didn’t let him read the script. I didn’t bring him to the set, pero in my other projects, kasama ko siya. ‘Yung anak ko kasi gustung-gusto niyang nagbabasa ng scripts, pero this time sabi ko, ‘this is not for you, you’ll gonna be surprised, you might not know what to see.’

Ibinabalik na ba ng Regal Films ang sexy movies na naging tatak din nila noon at nahinto lang nang mawala na ito sa uso. Pero nakakagawa pa rin naman sila in between sa mga taong 2003 at nahinto dahil nauso ang comedy, action at rom-com.

Huling sexy movie na napanood namin ay ang “The Escort” nina Derek Ramsay at Lovi Poe noong 2016. At pagkalipas ng dalawang taon ay heto na nga ang “Wild And Free.”

Ayon kay direk Connie ay matagal na siyang nakapanood ng mga eksenang tulad ng pinagawa niya kina Derrick at Sanya at hindi na naulit pa.

“I haven’t seen a film with this intimate scenes in a long time, or maybe hindi ganito ‘yung (madalas) nating makita, eh. Ang nakikita natin madalas, boso, ginagamit ‘yung babae. Dito pinapakita na pareho silang nag-eenjoy sa ginagawa nila,” esplika ng direktora.

Kasama rin sa “Wild And Free” sina Ashley Ortega at Juancho Trivino at showing na sa Okt. 10 handog ng Regal Entertainment.

Read more...