Drug lab ni-raid; 5 huli, P500M shabu nasabat

SHABU BUY BUST

LIMANG Tsino na hinihinalang miyembro ng 14K drug syndicate ang naaresto sa raid sa shabu lab sa isang condominium sa Pasay City, kagabi.

Ayon sa Philippine Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot naman sa 80 kilo ng shabu ang nasabat sa operasyon sa isang condo unit.

Kinilala ang mga nasakote na sina Hua Sen Lin, 42; Lam Wing Bun, 52; Lam Ming Sun Lam, 56; King Wah, 35, at Wong Ka Lok, 38, kapwa taga-Hong Kong.

Nasakote ang lima alas-7:30 ng gabi.

Natagpuan sa unit ang 70 kilong shabu na nakatakda nang ibenta at 10 kilong liquid shabu na tinatayang may kabuuang street value na P544 milyon at mga equipment sa paggawa ng nasabing droga.

Noong Lunes ng gabi ay nadakip din ng PDEA ang Tsino na si Huan Sen Lin sa Roxas Blvd. Maynila.

Pawang miyembro ang mga ito ng 14k international drug syndicate na nag-ooperate sa Hong Kong at iba pang bahagi ng China.

Read more...