Maymay kinarir ang paghahanap sa dating guro sa CDO; Edward magaling na ring mag-Tagalog

PERO ibang klase pala talaga ang powers ng tambalang MayWard!

Simpleng Instagram story item lang ang na-ipost namin regarding Maymay Entrata’s meeting of her teacher from Cagayan de Oro, pero grabeng reception at pasasalamat at paghanga ang isinukli sa kanya ng kanilang fans ni Edward Barber.

Lahat sila ay humanga sa pagiging humble at thoughtful ni Maymay dahil sa pagbibigay pugay nito sa dating guro, na nagkataong isa sa mahigit 17,000 na teachers na dumalo at talagang kinarir na malapitan at makita si Maymay.

Her very supportive Edward never left her at talagang naki-join sa lahat ng emote ni Maymay, kaya naman tuwang-tuwa ang mga supporters nila.

Kahanga-hanga rin ang pagsasalita ng Tagalog ni Edward, ito’y patunay lang na sobra siyang seryoso sa kanyang showbiz career.

Read more...