Pagpasok ng Asia’s Next Top Model winner sa ‘EB’ inokray, tinawag na boring at flirt


NAKATIKIM kaagad ng baptism of fire ang Asia’s Next Top Model na si Maureen Wroblewitz na latest addition sa Eat Bulaga family.

One basher wailed, “You are so boring and a flirt on Eat bulaga! The show is not for you!!! Don’t go back again.”

Hindi nagpatinag si Maureen who wailed back, “I wasn’t flirting with anyone.”

Since ang ginamit ng basher ay photo ni Alden Something ay nadamay ang actor sa panglalait sa basher.

“Napaka bastos naman ng commenter na yun. Nagtatrabaho ng matino yung tao, lubayan ninyo. Wag kayo manood kung ayaw ninyo siya.”

“So sad, sa tinagal ng EB ngayon lang ata nabahiran ng kanegahan. Wala nang modo mga fans, Pati tuloy si Alden nadadamay.”

“Tapos na kasi ang love team niyo kaya ganyan kayo sa mga bagong pasok. Qiqil niyo ko eh.”

“Yung nagagalit sila kapag may threat na pwedeng ipair kay Alden, pero idol nila mismo ang pumatay ng loveteam nila. Ask your idol.”

“Ayan na sinasabi ko. Yung sumpa kay Patricia Tumulak sa EB nalipat kay Maureen. Takaw bash pag sobrang ganda, mga possessive kasi fans.”

Dumepensa naman ang isang fan ni Alden and said, “LOL! Ginamit pa ang picture ni Alden para siya ang ibash eh pumunta kayo sa totoong solid Alden hashtags nila lahat ng nakakapartner niya thankful sila kasi tinanggap nila katrabaho si alden.

“Eh eto di pa nga sila nagkikita ni lden mega bash na kaya for sure gawa-gawa lang ang account na yan para siya na naman ang may kasalanan at mapagbalingan ng hatred.”

Read more...