Piolo sa bashers: Baka pumatol ako, kaya ayoko nang magsalita!


HANGGA’T maaari ay ayaw nang magsalita ni Piolo Pascual tungkol kay Shaina Magdayao. Ito’y matapos siyang matanong sa presscon ng SunPIOLOgy TR10 kung si Shaina ba ang makaka-date niya sa ABS-CBN Ball?

“Bina-bash kasi ako pag nagsasalita ako about Shai so, ayoko na lang magsalita, bahala na. Ang dami kong nakukuha sa Instagram. Masakit magsalita, baka pumatol ako, eh, kaya ayoko na lang magsalita,” aniya.

Paano nga ba niya hina-handle ang bashers? “Pinagdadasal ko sila para tumahimik sila. Kasi minsan, masasaktuhan ka na wala ka sa mood, eh. Eh ‘yung family ko, diretso sagot agad, so pag nai-stress ako sa kanila, so pag sumagot ako, pag nasilihan na ‘yun, even the fans also. So, huwag na lang. So, dasal, ayun lang.”

Masaya naman si Papa P na umabot na sila sa ika-10 taon ng SunPIOLOgy na isang charity sporting event ng Sun Life Philippines.

Read more...