7 sugatan matapos ang banggaan sa MRT

SUGATAN ang pitong empleyado nang magbanggaan ang dalawang maintenance train vehicle ng Metro Rail Transit 3 ngayong umaga.

Ayon sa ulat, hindi kaagad naalis sa riles sa pagitan ng Buendia at Guadalupe stations kaya hindi nakabiyahe ng maaga ang mga tren na nagdulot ng mahabang pila sa mga istasyon.

Kabilang sa mga nasugatan na sina Roger Piamonte, team leader ng line man at nagtamo ng bale sa kanang balikat; Eric Anthony Cabab, driver technician, at nagtamo ng bale sa kaliwang balikat.

Dalawa sa apat pang biktima na nagtamo ng bahagyang sugat ay sina Randy Bolilan at Alex Lumico ng Kaizen Security Agency.

Ang mga biktima ay dinala sa Victor R. Potenciano Medical Center.

Nagaayos ng Overhead Catenary System at tracks maintenance ang mga empleyado ng maganap ang aksidente alas-3 ng umaga.

Alas-4:20 ng umaga ng makaandar pabalik ng depot ang mga maintenance vehicle.

“Due to the accident, the insertion of trains, which usually begins at 4:30 am only started at 5:30 am. We apologize for the inconvenience,” saad ng advisory ng Department of Transportation-MRT3.

Upang mabawasan ang mga pasahero ay nagdagdag ng mga point-to-point buses na bumibiyahe sa Ortigas at Makati.

“As of 7:05 AM, MRT-3 has inserted 14 trains and operations is being normalized,” saad ng advisory. Makalipas ang 25 minuto ay naiakyat na sa 15 ang bilang ng mga tren na bumibiyahe.

Read more...