Ken Chan pang-best actor sa My Special Tatay


SA isa sa kanyang Instagram post, hindi naitago ni Ken Chan ang excitement para sa mapapanood ng fans sa mga susunod na araw sa GMA Afternoon series niyang My Special Tatay.

May mga bago kasing karakter na makikilala si Boyet (Ken). Kabilang na nga riyan ang mahusay na aktres na si Teresa Loyzaga, kasama sina Mikoy Morales at Arny Ross.

At ilang minuto nga lang ang lumipas matapos itong i-upload ni Ken, libu-libo na ang likes na nakuha nito.

Sabi pa ng ilang fans, siguradong masusubukan na naman ang husay ni Ken sa pag-arte lalo pa’t isang Teresa Loyzaga ang makakaeksena niya. Idagdag mo pa si Mikoy na ilagay mo man sa drama o comedy, siguradong lulutang ang galing.

Ano nga kaya ang kanilang magiging papel sa buhay ni Boyet? Abangan!

Samantala, puring-puri ng viewers ang akting ni Ken sa MST. Pang-best actor na naman daw ang performance nito at level up pa sa akting niya noon sa Destiny Rose.

Read more...