Pagtrato ni Joshua sa Pinoy fans sa Hongkong huli sa video


PINAGKAGULUHAN Sa airport sa Hong Kong si Joshua Garcia.

Very accommodating naman ang Ngayon At Kailanman actor sa Pinoy fans niya. Nakita namin sa video kung paano niya in-entertain ang bawa’t fan na nagpakuha sa kanya ng picture. Pati nga ang isang matandang nasa wheelchair ay binigyan niya ng chance na magkaroon ng photo with him.

May isang grupo pa ng fans who called themselves Joshua Garcia Hong Kong fan club ang nagdala pa ng tarpaulin bearing the actor’s face.

Walang pinalampas na Pinoy fan si Joshua. Lahat pinagbigyan niyang makakuha ng video at photo sa kanya. He was that accommodating. Kesehodang naantala siguro ang paglabas niya sa airport ay wala siyang pakialam kaya naman super na-happy ang JoshLia fans.

Samantala, sa Ngayon At Kailanman ay obvious na ang selosan sa pagitan nina Oliver (Jamesone Blake) at Ino (Joshua) over Eva (Julia Barretto). Ipinagtanggol ni Ino si Eva sa pambabastos sa kanya ng barkada ni Oliver, bagay na hindi nagustuhan ng huli.

Read more...