Binasted si boss kaya ‘di ma-promote

DEAR Ateng,

May problema po ako sa trabaho. Matagal na ako sa company na pinapasukan ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napo-promote.

Naunahan na ako ng mga mas bata sa akin. Dati kasing nanligaw yung boss ko sa akin, pero hindi ko sinagot. Pano ba naman, kilalang palikero siya. Lahat na yata ng single sa office ay pinormahan niya.

Kaya three years na akong nakatengga.

Hindi ko po alam kung paano ko ito sosolusyunan. Gusto ko po ang trabahong ito at ayaw ko rin mag-resign dahil mahirap po ang buhay ngayon. Help.
– Dinah, Makati City

Hello Dinah,

The best mong magagawa sa problema mo ngayon ay tanungin mo ang inyong HR department. Itanong mo kung bakit hanggang ngayon ay hindi ka pa napo-promote.

Siguro naman hindi lang boss mo ang makapangyarihan diyan sa opisina ninyo. Ipakita mo sa HR ninyo ang track record mo. Isa-isahin ang mga bagay na nagawa mo para sa kompanya, not in a manner na nanunumbat ka. Kasi in the first place talagang trabaho mo na mag-perform nang maayos para sa kompanyang iyong pinapasukan.

Tanungin mo kung ano ba ang lacking sa iyo at kung bakit hindi ka napo-promote samantalang ang iba na mas bata sa iyo (I assume sa number of service sa inyong kompanya at hindi sa edad) ay agad-agad napo-promote.

So either mag stay ka dyan at ipaglaban mo ang kakayanan at karapatan mo o tapusin na ang employment mo dyan.

Kung kampante ka naman sa HR ninyo, bakit hindi mo sabihin ang history ninyo ni boss. Kung matapang-tapang ka then you might consider filing a complaint against your boss. Siguro naman they will hear your out, pero siyempre you must expect na they will hear your boss’ side, too. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang pakinggan. Just the same, hindi naman tama na ang boss mo lang ang kanilang pakikinggan.

At kung nagawa yan ng HR — ang kausapin kayong dalawa at mag-imbestiga — at hindi ka naman natuwa sa resulta ng kanilang ginawa, then it’s up to you kung dapat ka pang mag-stay diyan sa kompanyang iyan o iwan mo na at humanap ng trabaho na truly na magba-value sa kakayanan at talento mo.

True, mahirap ang buhay ngayon at mahirap maghanap ng hanapbuhay pero mas mahirap kapag hindi ka marunong pumalag at lumaban para sa karapatan mo o at para sa sarili mo. Pag ganyan ang attitude mo, hay naku neng, asahan mong maba-bypass ka na lang palagi.

And when you decide na lumipat na ng ibang kompanya, make sure na you will perform best sa iyong mga responsibilities and duties without compromising your rights.
Good luck Dinah sa magiging desisyon mo.

May problema ka ba sa puso, relasyon sa asawa, anak, pamilya, kaibigan o katrabaho? Aba’y i-text na iyan sa 09156414963 o sa 09275373810 at tiyak na may sey diyan si Ateng Beth.

Read more...