Horoscope, September 25, 2018 | Bandera

Horoscope, September 25, 2018

Madam Sophia |September 25,2018
facebook
share this

Horoscope, September 25, 2018

Madam Sophia - September 25, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Panahon ngayon ng mga Libra. Ibig sabihin habang ikaw ay umiibig maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang darating. Sa pinansyal, ganon din – kapag “laging in love” mas maraming salapi ang maibubulsa. Mapalad ang 6, 18, 27, 33, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Patrenan-Om-Ayena.”

Aries – (Marso 21-April 19)—Kung balak magnegosyo ngayon na ang tamang panahon. Sa pag-ibig, kumbinsehin ang kasuyong Libra na magsosyo kayo ng produktong may kaugnayan sa Holiday Season mga pang-regalo at pagkain. Pagkakataon mo ng mapalago ang iyong kabuhayan sa pamamagitan ng negosyo, Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pulkasa-Om-Kirata.” Maroon at beige ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Ang pagpapakabait at mababang loob ay mabuti, pero ang masama kung naisasakripsiyo mo na ng hindi mo namamalayan ang budget ng iyong pamilya. Hindi masamang tumulong pero unahin muna ang kapakanan ng mga mahal sa buhay. Mapalad ang 7, 9, 15, 24, 33, at 42. “Om-Mohaya-Om-Mitra.” White at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)— Sa pagiging tapat at totoo dagdag na ligaya ang makakamit. Suwerte sa produktong denideliver at inilalako, gayon din sa mga kalakal na kumikislap, kumikinang at may magaganda at nakaka-akit na kulay. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Silver at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Tubig ang iyong elemento. Kaya sa sandaling iniyakan o binigyan mo ng kauting luha ang anomang nais makamit, sa salapi man at pag-ibig sa pamamagitan ng luha tiyak na ito ay ibibigay sa iyo ng langit. Mapalad ang 3, 15, 18, 21, 29, 34 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Green at white ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Panahaon na upang mag-isip ng malaking layunin. Ang pagkakaroon ng sariling sasakayn o kaya’y house and lot, puwede ring layunin ang magka-savings ng maraming-maraming pera. Layunin o asamin mo lang iyan, kusa na sa iyong ibibigay yan ng tadhana. Mapalad ang 1, 4, 27, 36, 39, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Om.” Red at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Maraming suwerte ang darating, pero dapat mo itong ingatan. Kasabay ng suwerte ang mga tukso ng ka-immoralan at pagiging magastos. Kapag nanatili kang matuwid mananatili rin sa iyo ang bonggang-bonggang suwerte at madaragdagan pa ang dating ng magagandang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 27, 34, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Dahil panahon ngayon ng mga Libra, higit na mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang kusang matatanggap higit lalo sa pinansyal at sa aspetong pang-emosyonal. Unti-unti na ring mahahawi ang mga problema hanggang sa tuluyan na uling lumigaya. Mapalad ang 3, 9, 10, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jagat-Guro-Om.” Beige at marron ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tama lang ang iyong ginagawa, tinutulungan mo ang iyong pamilya at ang ibang pamilya. Sa pagtulong na hindi naghihintay ng kapalit marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Mapalad ang 7, 11, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om-Beeja.” Pink at purple ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Iwasang magsungit, sa halip batiin ang bawat araw ng may ngiti at pag-ibig sa iyong mga labi. Sa ganyang istilo ng pamumuhay araw-araw, maramingt suwerte at magagandang kapalaran ang tuloy-tuloy pang darating. Mapalad ang 6, 14, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gorocha-Om.” Brown at gray ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ang unti-unting pagkaubos ng salapi sa ngayon ang maghahatid sa pagyaman sa darating na mga araw. Sa pakikipagrelasyon tandaang ang kabiguan ay lihim na daan upang matagpuan ang isang wagas at pang habang buhay na pag-ibig. Mapalad ang 4, 7, 19, 24, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Joviyo-Om-Krato.” Gold at lilac ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Kung bigo man sa pag-ibig ituon na lang ang buhay sa salapi. Walang dapat gawin sa ngayon kundi ang magpapayaman. Kapag mayaman ka na, mas madali ka nang liligaya sa matyeryal na bagay at maging sa pang damdamin man. Mapalad ang 7, 15, 23, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Yellow at pink ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Kakapusin ka na naman sa salapi na lagi namang nangyayari. Ang magandang gawin ngayon ay mag-tipid. Alalahaning malapit na ang Pasko. Sa pag-ibig, magpatago ng kaunting halaga sa kasuyong kuripot. Mapalad ang 7, 20, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Balam.” Green at red ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending