‘Studio 7’ bagong Sunday variety show ng GMA na may big twist


GOOD news para sa mga Kapuso viewers. Isang bagong show ang handog ng GMA 7 na siguradong magbibigay-saya sa manonood tuwing Linggo ng gabi.

Ito ang Studio 7, isang musical variety show na magtatampok ng ilan sa mga performing artists ng GMA ngayon tulad nina Migo Adecer, Kyline Alcantara, Christian Bautista, Mark Bautista, Rayver Cruz, Donita Nose, Super Tekla, Gabbi Garcia, Mavy Legaspi, Mikee Quintos, Julie Anne San Jose at Kate Valdez.

Ka-join din dito ang ilan sa mga Clashers mula sa The Clash. Iba’t ibang segments din ang siguradong tututukan ng fans dahil isang interactive show nga ang Studio 7. Paano kaya makaka-join ang audience rito?

Magsisimula na ang Studio 7 sa Oct. 14, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

Read more...