NADUKUTAN pala ng wallet si Bea Alonzo while she’s in Europe.
“Nanakawan nga ako ng wallet.” That was Bea’s reply sa isang fan na nag-warning sa kanyang mag-ingat sa mga magnanakaw sa Europe especially kapag nakasakay sa tren.
Marami ang nag-react sa reply na ‘yun ni Bea na balitang nagbakasyon sa Lisbon, Portugal.
“Mga dayo din lang din sa Western Europe ang mga magnanakaw na yan. Lalo na yung mga gypsies naku mga babaeng naka palda ng may slit ang bibilis ng mga kamay ng mga yan.”
“Be a smart tourist, don’t let your guard down anywhere. These thieves know who to target. Oh well, experience will teach you that.”
“Marami talagang tirado sa Paris as in. (sa lahat naman meron talaga) I wonder bakit walang precaution na ginagawa ang tourism.”
q q q
Interesting ang interview ni RS Francisco sa show ni Jiggy Manicad na The Working Class.
We saw the interview and it was so inspiring as it showed the hard life RS went through.
Tumigil kasi siya sa pag-aaral dahil kapos sila sa pera. Nagtrabaho siya sa isang bodega sa Binondo at nag-work sa parlor at nagtinda ng pabango.
“Nag-work ako sa salon kahit hindi ako marunong maggupit. Kada gupit ko natututo ako. ‘Ah, ganoon pala dapat ang gupit. I even sold shoes sa SM na wala akong training,” chika ni RS.
Bilang president ng Frontrow, successful na si RS.
“I always tell my agents, my secret to having a stable, a decent, a long lasting business and relationship. Gawin mo lang nang tama. Wag kang mangloloko ng tao, ‘wag kang mang-iisa, ‘wag kang manggugulang,” he said.
Sa ngayon ay busy si RS sa “M Butterfly” which will run until Sept. 30 at the Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center, Taguig City.