ISANG bonggang birthday gift ang tinanggap ni dating Miss Universe Pia Wurtzbach mula sa ibang bansa.
Sa kanyang Instagram account, ibinalita ng beauty queen-actress na siya ang kauna-unahang Filipino celebrity na magkakaroon ng wax figure sa Madame Tussauds sa Hong Kong.
Nag-post ang dalaga ng kanyang litrato suot ang kanyang Miss Universe crown na may caption na, “I have a big announcement! Starting early next year, I’ll be residing in Hong Kong! Well, my wax figure will!!!
“So excited to be the first Filipino part of Madame Tussauds! What a birthday treat! Please visit me there. Will be waiting for you! @madametussaudshongkong,” aniya pa.
Ang Madame Tussauds ay isa sa mga dinarayong tourist attractions sa Hong Kong. Ilang Hollywood celebrities na ang may wax figure sa loob ng Tussauds kaya isa na namang karangalan para sa mga Pinoy ang pagkakapili kay Pia para magkaroon ng sariling wax figure roon.