Horoscope, September 24, 2018 | Bandera

Horoscope, September 24, 2018

Madam Sophia |September 24,2018
facebook
share this

Horoscope, September 24, 2018

Madam Sophia - September 24, 2018 - 02:58 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa pag-ibig, hindi ang puso ng ibang tao ang sa ‘yo ay magpapaligaya, kundi ang sarili mo. Sa pinansyal, kahit na anong negosyo lalo na’t medyo chubby ka at may nunal sa kanang pisngi tiyak ang pagyaman, simulan mo na ngayon! Mapalad ang 1, 9, 19, 27, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jina-Anam-Babalam.” Green at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi na magiging isip bata, mas mabilis ng uunlad at liligaya. Sa pag-ibig kung magiging matured na ang iyong personalidad, wala ng kabiguan pang malalasap. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Red at blue ang buenas
Taurus – (April 20-May 20)—“Ganda” ang susi ng tagumpay. Anoman ang iyong ginagawa, pagkakaperahan man o pakikipag-relasyon, pilitin mong pagandahin. Kapag nagawa mo yan, sa lahat ng aspeto ng buhay kusa ng darating ang suwerte at ang mga pagpapala. Mapalad ang 5, 18, 23, 25, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodha-Dhipana-Om.” Beige at violet ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Iwasang ma-addict sa anumang uri ng bisyo. Sa halip na itapon ang salapi sa walang kapararakang mga bagay mag-invest sa mga bagay na pagkakakitaan. Sa pag-ibig, ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Libra. Mapalad ang 5, 8, 26, 35, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namoh-Om” Lilac at blue ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis kang yumaman at lumigaya. Itapon na sa basurahan ang ugaling maramdamin at emosyonal. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Kahit lonely sa pag-ibig hindi mo ba napansin mas mapalad ka sa iba? Wag malungkot, dahil kapag malungkot ang Leo lalo lang siyang mamalasin. Sa pag-ibig at pinansyal, kusa ka ng susuwertehin basta’t naging masaya ka lamang. Mapalad ang 7, 23, 28, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Raga-Kastha-Om.” Green at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi ng tagumpay, kung kaya’t anuman ang ginagawa, pagpapa-charming man, at kahit na may kaugnayan sa salapi, bilisan mo lang at makikita mo, parang magic, kusang mapapasayo ng mabilis din ang lahat ng naisin mo. Mapalad ang 5, 9, 22, 27, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Keh-Om.” Green at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ituloy mo lang ang mga pagsisikap at sa bawat araw na lumilipas anoman ang ipagkaloob sa iyo ng tadhana, matuto kang makuntento at magpasalamat. Tandaang “contentment” ang sikreto ng isang maunlad at masayang buhay. Mapalad ang 6, 13, 21, 28, 37, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Dosya-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, gamitin ang husay sa pambobola. Sa pananalapi, kailangang marunong kang mang-uto. Kapag nagawa mo iyan, kusa ka ng aasenso at liligaya. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 35 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Gray at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Hindi dapat mainip sa pagdating ng magagandang kapalaran. Ang mahalaga patuloy kang naghihintay. Pagpasok ng buwan ng Oktubre, kusa ng aayon sa iyo ang tadhana. Mga oportunidad ng pagkakaperhan ang darating at sa pag-ibig muli kang kikiligin sa sobrang ligaya. Mapalad ang 3, 9, 19, 35, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Pad-Me-Om.” Purple at gold ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Bawal magalit! Sa mahinahong pakikipag-usap mas malaking halaga ng salapi ang kikitain. Sa pag-ibig, kung hindi mo aawayin ang kasuyo lalong iinit at sasarap ang relasyon. Mapalad ang 1, 8, 17, 27, 33, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Red at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Iwasan ang mga taong sira ang pamilya, upang hindi ka mahawa sa kanila. Sa mga taong may mabuti at matitinong pamumuhay ka makibarkada at makipagkuwentuhan, upang mapunta sa iyo ang suwerte nila. Mapalad ang 4, 10, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mohan-Karan-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Panahon na upang simulan ang mga negosyong may kaugnayan sa bilog na mga bagay tulad ng prutas, pagkain at dekorasyong pang-pasko upang sa Holiday Season, na darating tuloy-tuloy ka ng uunlad at liligaya Mapalad ang 7, 8, 27, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Om.” Gold at purple ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending