Palasyo sinabing walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Du30

SINABI ng Palasyo na walang dapat ipag-alala sa kalusugan ni Pangulong Duterte matapos namang sumailalim sa colonoscopy at endoscopy kamakailan.

Sa isang briefing, idinagdag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na bahagi lamang ito ng routine checkup.

“Sinabi naman ni Presidente na talagang nagpapaganyan siyang test ‘no regularly ‘no; so, routine naman po iyan, nothing extraordinary,” dagdag ni Roque.

Noong Biyernes, mismong si Duterte ang nagsabi na nagpa-colonoscopy at endoscopy siya noong isang linggo. 

“Kung seryoso po iyan hindi naman iyan aaminin ni Presidente. Sabi ko kung seryoso iyan ‘no. Ibig sabihin he was so open about it, it was nothing, it was routine,” dagdag ni Roque. 

Hindi naman alam ni Roque kung gaano kadalas si Duterte na sumasailalim sa routine colonoscopy at endoscopy.

 “Well, you know to him it was so routine na he had no qualms about telling everyone, the whole world that he had it ‘no. And so—I think human nature naman iyan ‘no na it’s no big deal kaya it was no big deal to disclose it. All medical condition is otherwise confidential ‘no; the fact that he’s willing to share, it means it’s no reason for alarm,” paliwanag pa ni Roque. 

 Idinagdag ni Roque na walang tinatago si Duterte sa kanyang kalusugan.

“Of course, the President is transparent. Iyong mama nga ilang beses ng sinabing gusto na nga niyang iwanan iyong posisyon niya ‘no; so he will not cling on if he’s dying ‘no or very gravely ill,” giit ni Roque.

Read more...