P704.72M jackpot sa Ultra Lotto 6/58 wala pa ring tumama

INAASAHANG aabot na sa P725 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola bukas ng gabi (Martes).

Walang tumama sa P704.72 milyong jackpot prize sa bola noong Linggo, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Hindi tinamaan ang winning number combination na 58-08-34-29-35-38.

Noong Pebrero 18 pa walang tumatama ng 6/58 jackpot prize kaya lumaki na ito. Tuwing Martes, Biyernes at Linggo binobola ang 6/58.

Nanalo naman ng tig-P243,370 ang 26 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P1,950 naman ang 2,596 mananaya na nakaapat na numero.

Tig-P20 naman ang 64,044 mananaya na nakatatlong numero.

Read more...