1st ABS-CBN alay sa Bantay Bata 163 Children’s Village

LUMAKI si “Len” na inaabuso ng kanyang mga kamag-anak. Hindi niya kilala ang kanyang ina, na biktima rin ng pang-aabuso. Wala siyang itinuturing na pamilya pero sa pamama-gitan ng Bantay Bata 163, nabigyan siya ng tahanan at nakadama ng kalinga sa Children’s Village.

Ngayon, matatapos na ang pag-aaral ni Len para maging guro sa pamamagitan ng scho-larship mula sa Bantay Bata 163. Nais niyang mabuhay nang mapayapa at masaya at makatulong sa mga batang tulad niya.

“Sa Children’s Village ko lang naramdaman na mayroon palang nag-aalaga at nagmamahal sa akin,” sabi ni Len. “Doon ko lang naramdaman na maaari palang magtagumpay mula sa kahirapan,” aniya pa nang humarap kamakailan sa entertainment media sa relaunch ng Bantay Bata Children’s Village.

Dumalo rin doon sina ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation Managing Director Susan Afan, Bantay Bata Program Director Jing Castañeda, DSWD-NCR psychologist Estrelita Turingan, Dale Jimenez ng Bantay Bata at ang nag-host sa event na si Winnie Cordero.

Nagsilbi nang tahanan sa mahigit isang libong bata ang Children’s Village na binuksan ng Bantay Bata 163 noong 2003 para matulungang gumaling at makabangon mula sa dinanas na pang-aabuso ang mga batang naisalba nila.
Sa darating na ABS-CBN Ball sa Sept. 29, ilulunsad ang kampanyang pagtulong sa mu-ling pagbubukas ng Children’s Village upang mas marami pang tulad ni Len ang makahanap ng pamilya at pag-asa rito.

“Hindi ko makakalimutan ang ligtas, mapayapa, at mapagmahal na tahanan na binigay ng Children’s Village sa aming mga bata,” kwento pa ni Len. “Dito ko naramdaman na maaari kong maabot ang mga pangarap ko.”

Sa mas pinagandang pasi-lidad at programa, higit na may kakayahan ang Children’s Village ngayon na magbigay ng lakas at kaalaman sa mga biktima ng child abuse upang sila ay maging matatag na miyembro ng ating komunidad.

Ayon kay Estrelita Turingan mula sa DSWD-NCR, malaki ang kontribusyon ng Bantay Bata 163 sa pagbangon ng mga bata.

“Magkakaiba ang mga pinagdadaanan ng mga bata at magkakaiba rin ang kakayanin nilang bumangon muli,” aniya. “Malaking bagay na naibibigay ng Batay Bata 163 ang iba’t ibang uri ng pangangailangan nila.”

May kakayahan ang Children’s Village na pangalagaan ang hindi baba sa 120 na inabusong bata, sa parehong pisikal at psychological na pamamaraan, sa isang lugar na mararamdaman nila ang pagmamahal ng isang pamilya. Nakaantabay sa kanila ang mga social worker, health care professional, at house parent sa complex, na matatagpuan sa Norzagaray, Bulacan.

Mayroon din silang meditation room, music room, arts and crafts room, library, at eskwelahan para sa mga maliliit na bata, samantalang hatid sundo nila ang mas matandang mga bata sa mga kalapit na paaralan.

Tinuturuan din ang mga bata ng iba’t ibang skills upang maging handa silang maging parte uli ng lipunan mula pagluluto hanggang pagnenegosyo. Maging ang mga magulang at pamilya nila ay hinahanda rin sa kanilang pagbabalik sa pama-magitan ng values formation.

Layunin ng Bantay Bata 163 na makahanap rin ng mga paraan upang malabanan at maiwasang mangyari ang mga pangaabuso, habang nangunguna sa pa-ngangalaga ng karapatan at kalagayan ng mga bata sa pamamagitan ng mga proyekto tulad ng Children’s Village.

Para sa impormasyon tungkol sa Bantay Bata 163 Children’s Village, pumunta sa www.abs-cbnfoundation.com o sundan ang @abscbnfoundationkapamilya sa Facebook.

Samantala, ilan sa mga Kapamilya stars na kumpirmadong dadalo sa ABS-CBN Ball 2018 ay sina Coco Martin, Anne Curtis, Karla Estrada at Vice Ganda. Rarampa rin sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Liza Soberano at Enrique Gil, at Nadine Lustre at James Reid.

Read more...