Itinaas na rin ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa Typhoon category ang bagyo matapos itong lumakas.
Umaabot na sa 125 kilometro bawat oras ang bilis ng hangin nito at may pagbugsong umaabot sa 155 kilometro bawat oras.
Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran. Ngayong umaga ang bagyo ay tinataya na nasa layong 1,050 kilometro sa silangan ng Tuguegarao City.
Ayon sa PAGASA maaapektuhan ng bagyo na may international name na Trami ang hilagang bahagi ng northern Luzon partikular ang Batanes at Babuyan group of islands.
MOST READ
LATEST STORIES