Sa tanong ‘kung gaano kayo nasisiyahan o hindi nasisiyahan sa kasalukuyang kampanya ng administration laban sa iligal na droga,” sinabi ng 78 porsyento na sila ay nasisiyahan, siyam na porsyento ang undecided at 13 porsyento ang hindi.
Halos hindi ito nalalayo sa first quarter survey kung saan 75 porsyento ang pabor sa kampanya ng gobyerno, 13 porsyento ang undecided at 12 porsyento ang hindi pabor.
Pinakamarami ang pabor sa Mindanao (62 porsyento) na sinundan ng Visayas (54 porsyento), Metro Manila (49 porsyento) at iba pang bahagi ng Luzon (42 porsyento).
Ginawa ang survey mula Hunyo 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.