Kate Valdez sa haters: Peace tayo! Walang personalan, trabaho lang!


DAHIL  sa nagiging kontrabida na nga ang karakter ni Kate Valdez sa GMA Telebabad series na Onanay, maraming viewers na rin ang nagagalit sa kanya.

Patindi pa na nang patindi ang mga eksena ngayon sa Onanay kaya huwag na huwag daw bibitiw ang mga manonood dahil magugulat daw kayo sa mga susunod na episode, ayon kay Kate.

Sa panayam ng GMA, inamin ng dalaga na nakakatanggap na siya ng hate comments sa social media pero mas marami pa rin ang nagsasabing bilib sila sa pagganap niyang kontrabida ni Mikee Quintos sa serye bilang si Natalie.

“Peace po tayo! Walang personalan, trabaho lang. Pero at least, I’m happy na effective pala siya,” ang message ni Kate sa kanyang mga supporters at haters.

Lagi raw silang looking forward sa taping ng Onanay dahil puro pampa-good vibes lang daw ang nangyayari sa kanilang set, lalo na kapag nagkukuwentuhan na sila ni Jo Berry ang gumaganap na nanay niya sa serye.

“Kwentuhan about life, tapos ‘yung mga advice niya–kumbaga siya ‘yung pinaka-topic namin. Good vibes lang ‘yung dinadala niya sa set,” chika pa ni Kate.

Samantala, naghahanda na rin si Kate sa bago niyang project, “Ito naman walang drama, puro happiness lang. ‘Yun pa lang ang sasabihin ko. Puro happiness lang siya kaya at least may pambawi doon sa Onanay. Dito makikita n’yo naman ‘yung other side ko.”

Samantala, talagang hindi na mapigilan ang pagkahumaling ng mga Pinoy sa GMA primetime series na Onanay. Agaw-atensyon ngayon online ang sitsirya na inspired sa GMA drama series na patuloy na umaani ng nakaka-good vibes na reaksyon mula sa netizens.

Ayon pa sa comments na nabasa namin, mabenta nga raw ang nasabing sitsirya sa mga palengke at tindahan. Iba na talaga ang magic at charm ni Onay (Jo Berry).

Pero maging charming din kaya siya sa mata ni Helena (Cherie Gil) na ngayon ay kinakalaban na rin ni Natalie (Kate) dahil sa pagdududa ng dalaga na baka may tinatago ang kanyang kinalakihang ina tungkol kay Onay? Tutok lang sa Onanay gabi-gabi sa GMA.

Read more...