HIYANG-HIYA si Glaiza de Castro nang sabihin sa kanya na puwede na siyang bansagang Cinemalaya’s Box-office Queen ngayon. Ang indie movie niyang “Liway” kasi ang highest grossing film ng indie filmfest mula nang simulan ito 14 years ago.
“Wow! At least naranasan ko kung paano maging box-office (queen)! Nakakakilig. Nakakaiyak. Kasi kumbaga, ‘yun na ang award dahil nakikita mo ‘yung tao na pumapalakpak, sumisigaw, mga nakatayo.
“Siyempre, na-appreciate ko ‘yung sinasabi ng iba kaya patuloy akong gagawa ng ganitong movie,” pahayag ni Glaiza sa presscon ng “Liway”.
Base ito sa kuwento ng ina ng direktor ng pelikula na si Kip Oebanda nu’ng bata pa siya. Naranasan nila ‘yung panahon ng Martial Law kaya sabi ng batang direktor na totoo ang mga kuwento ng mga Martial law victims.
Mapapanood muli ang “Liway” sa mga sinehan nationwide simula sa Oct. 10.