Pagde-date nina Alden at Maine binisto ni Ai Ai

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

TEAM soldout ang bansag ngayon ng AlDub Nation kina Alden Richards at Maine Mendoza. Kaugnay ito ng sabay na projects na naganap sa kanilang mga idolo last Sept. 21.

Last Friday at inilabas sa isang on line shopping site ang lipstick shade na gawa mismo ni Maine at sa loob lang ng isang minuto ay soldout agad ang bilang ng shade na ibinenta, huh!

Tweet ni Meng, “GRABE, SOLID!!! Thank you, guys!!!! First dibs, yeahh!!!”

Soldout din ang “Adrenalin Rush” concert ni Alden the other night sa KIA Theater. Naging emosyonal ang Pambansang Bae sa pasasalamat sa lahat ng mga taong pumuno ng venue.

Sa isang video na lumabas sa social media kung saan magkasama sa stage sina Alden at Ai Ai delas Alas, binisto ng Comedy Queen na nag-date sina Alden at Meng, huh!

Nakabibingi ang sigawan ng audience sa sinabing iyon ni Ai Ai tungkol sa AlDub loveteam! Tila nabuhayan muli sila ng loob na may pag-asa pang magkatuluyan ang dalawa in real life.

Kahapon naman, ginamit ng ADN ang hashtag na #ALDUBTeamSoldOut dahil sa tagumpay ng bawat project nina Meng at Alden at kahapon naman muling dinagsa ng AlDub fans ang launch ng lipstick shade ni Meng sa SM Megamall.

Kaya huwag nang magulat kung maraming sumugod sa Megamall para bumili ng lipstick na gawa ng Dubsmash Queen!

Read more...