Hiling ng bulag na Popster tinupad ni Matteo: Hindi siya makapaniwala!


TINUPAD ni Matteo Guidicelli ang wish ng isang visually impaired na dalagita na makausap ang kanyang idol na si Sarah Geronimo.

Siya si Zaika na mula sa Northern Luzon Association for The Blind Inc. (NLAB) na nakilala ni Matteo nang mag-perform ang kanilang grupo sa isang event sa Uptown Mall, Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang NLAB ay isa sa sa mga beneficiary ng pakikipag-collaborate ni Matteo sa fashion designer na si Avel Bacudio.

Ayon sa ulat, nalaman ni Matteo na isa palang Popster si Zaika, “Nakausap niya si Sarah. Favorite niya si Sarah. Nakausap niya kanina lang. Kasi she told me, ‘Pangarap ko makita ko si Sarah.'”

Nasa Dubai daw ngayon si Sarah kaya sa pamamagitan ng video call ay nakausap ni Zaika ang kanyang idol. “Masaya, natuwa nga siya, e. Hindi siya makapaniwala,” ani Matteo nang matanong kung ano ang reaksyon ng dalagita nang makausap ang kanyang girlfriend.

Nagpasalamat naman ang hunk actor kay Sarah dahil napaligaya nito ang kanyang fan, “She’s always there for me. She’s always supportive, so I’m very grateful.”

Read more...