PURING-PURI ni Luigi Revilla ang mga kapatid na sina Bryan at Jolo Revilla, pati na rin si Bacoor City Mayor Lani Mercado.
“Since day one, they never considered me an outsider o hindi nila kapamilya. It all started when we saw each other in Boracay at du’n kami nakapag-bonding. Since then, everybody welcomed me as theirs, a part of their family.
“With Tita Lani naman, she never showed me na I’m different sa mga anak nila ni Papa (Sen. Bong Revilla). Kahit iba ang nanay ko, she made me feel na anak din niya ako and I admire her for that,” paliwanag ng gwapong aktor.
Hindi niya itinatago ang tunay niyang edad lalo pa’t happily married na siya at may anak na rin at 26.
“Idol ko kasi si Papa. Yun bang gusto kong makasabay sa paglaki ng anak ko hindi lang bilang isang ama kundi bilang isang kaibigan,” hirit pa ng aktor na bibida nga sa episode ng “Amats”, ang third installment sa trilogy movie na “Tres” ng nagbabalik na Imus Productions.
Lumalabas na sa mga GMA shows si Luigi at kaya lang daw siya nahinto ay dahil tinapos muna niya ang pag-aaral at inasikaso ang kanyang family at negosyo.
q q q
Sa kanilang magkakapatid, saludo raw si Luigi sa kanyang kuya Bryan dahil growing up, ito ang nagsilbing idol at kaibigan niya.
At ngayong nagsama-sama sila sa isang action-packed movie, “Nakaka-pressure po talaga pero dahil sobrang komportable naman ako sa kanila, siguro naman po ay hindi naman ako napahiya.”
Sa kanyang episode nga raw tinalakay ang masamang epekto ng droga. Kung ang mga kuya niya ay umaksyon sa mga episodes nila bilang mga government agents, sa “Amats” ay siya naman ang naging biktima ng illegal drugs na bumangon para ituwid ang mga nagawang mali.
“Yung mga action scenes namin dito, talagang pisikalan. Nagamit ko talaga ang nalalaman ko sa martial arts,” sey pa ni Luigi na umaasang come Oct. 3 ay susuportahan sila ng mga Pilipinong nagmamahal pa rin sa action movies.