Jennylyn pinasaya ang babaeng fan na may taning na ang buhay


TUWANG-TUWA ang marami kay Jennylyn Mercado when she greeted a fan na merong matinding karamdaman.

“Hi Nikki. Happy, happy birthday fighter. Ang wish ko sa ‘yo ay I pray to God na ma-eliminate lahat ng pain na nararamdaman mo at mabigyan ka ng strength para malagpasan mo lahat ng mga pagsubok mo sa buhay.

“Marami kaming nagdadasal para sa ‘yo. Ituloy mo lang ang laban at maging matapang. God bless you. Nandito lang kami para sa ‘yo.”

That was Jen’s video greeting kay Nikki whose friend said “has stage 4 breast cancer and told she may have less than 6 months to live. She’s celebrating her birthday soon. This may not be much, but we hope this cheers up Nikki and all you warriors out there. Keep on fighting. Believe in miracles. God bless you!”

Ang daming naka-appreciate sa ginawang iyon ni Jen.

“Sana makita din ni Nikki si @MercadoJen in person for sure sobrang matutuwa sya.”

“Wow naman ang bait talaga idol @MercadoJen. God bless you Nikki.”

“Aaww, ang sweet naman ni lodi Jen! Sanay pagpalain ka pa ni Lord!”

Read more...