HOROSCOPE July 06, 2013 | Bandera

HOROSCOPE July 06, 2013

Madam Sophia - July 06, 2013 - 07:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Isang Capricorn  ang makakatulong upang magka-pera ng malaking halaga. Sa pag-ibig, bubuhayin ang iyong libido ng isang Scorpio masarap na romansa ang kasunod. Mapalad ang 6, 16, 25, 34, 38, at 45. Mahiwaga mong mantra:  “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Yellow at green ang buenas.        
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pag-ibig upang lalong tumibay ang relasyon yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad. Sa negosyo, bago matulog wag kakalimutang mag dasal at hilingin sa Diyos na yumaman. Mapalad ang 6, 12, 30, 33, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Egosum-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Panatiliin ang ugaling pagiging mabait at matulungin. Sa pinansyal at pag-ibig habang tumutulong sa kapwa, lalo namang sasagana at mas magiging maligaya.  Mapalad ang 7, 15, 22, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at orange ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)— Walang pag-asenso kung laging aasa sa mga kapatid at magulang. Mag-isip ng sariling ikayayaman. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa isang negosyong may kaugnayan sa butil, sa kumuniskayon at sa tubig. Mapalad ang 5, 19, 23, 28, 34, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Om”. Beige at yellow ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Mas liligaya kung muling magmamahal. Sa pinansyal, bagong kalakal na may kaugnayan sa likido at modernong kuminikasyon ang magpapaunlad ng kabuhayan.  Mapalad ang 2, 11, 29, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Hagiel.” Orange at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Paglaanan ang nalalapit na kaarawan. Sa pinansiyal, sinupin ang kabuhayan. Tandaang ang taong masinop, mas madaling yumayaman. Sa pag-ibig, simpleng date na lang ang ihanda para sa kasuyo ngayong weekend. Mapalad ang 1, 13, 25, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Anilam-Bastam-Atha-Idam.” Yellow at green ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Hindi pupuwedeng walang ginagawa. Ang mga Virgo ay madaling nanghihina kapag naka-istambay lang. Kumilos ng kumilos hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano na ang gagawing gradeng bakasyon sa nalalapit mong kaarawan. Mapalad ang 4, 8, 23, 28, 31, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om”. Blue at white ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, nanlalamig ang kasuyo, minsan pa, painitin siya sa pamamagitan ng iyong nag aalab na halik. Sa pinansyal, magtipid para may maitabi ka pang pera sa susunod yong date ng kasuyo.  Mapalad ang 3, 18, 21, 34, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Hare.” Red at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Sa pag-ibig, okey na ang kasalukuyang ganda, wag ng maglagay ng kung ano-anong koloreta sa mukha sa ginagawa mong iyan, magseselos lang ang kasuyo.  Sa pinansyal, simulan ang magtipid na pamumuhay upang umunlad ang kabuhayan. Mapalad ang 4, 7, 28, 38, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Yellow at lilac  ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Dagdag pagkakakitaan ang kailanga! Tama ang dati ng naisip na palawakin ang teknikal na kaalaman. Sa pag-ibig, kailangang makaipon ng maraming pera upang masimulan na  ang iniisip na negosyong may kaugnayan sa pagtitinda.  Mapalad ang 3, 12, 24, 33, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Githa-Om.” Green at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Kusang darating ang malaking halaga ng salapi. Tipirin upang huwag agad maubos.  Sa pag-ibig, magiging masalimuot ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius. Ang pagpapatawad at pagpapasensya ang mabisang solusyon upang maisalba ang relasyon. Mapalad ang 4, 15, 21, 25, 37, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at yellow ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— ‘Wag masyadong seryosohin ang pag-ibig, sapagkat sa sandaling nabigo, grabe ang lungkot na idudulot nito. Imbis na relasyon, bigyan mo ng halaga ang pagpapayaman. Darating ang panahong makakabili ka rin ng isang genuine at totoong pag-ibig. Mapalad ang 4, 13, 23, 37, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Om.” White at pink ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) —Isang secret admirer ang naglalaway, ngunit wala siyang lakas ng loob na magtapat. Kilalanin siya upang may maka-date ngayong weekend. Sa pinansyal, pag laanan ng budget ang mga gawaing may kaugnayan sa romansa at sex. Mapalad ang 5, 18, 29, 32, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel”. Silver at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending