Solo lead pag-aagawan ng Blackwater, Ginebra

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. Columbian Dyip vs San Miguel Beer
7 p.m. Blackwater Elite vs Barangay Ginebra
Team Standings: Blackwater (3-0); Ginebra (3-0); Magnolia (2-0); Phoenix (4-1); Alaska (3-1); NLEX (3-2); San Miguel Beer (1-1); TNT (2-4); Meralco (1-3); NorthPort (0-5); Columbian Dyip (0-5); Rain or Shine (x-x)
MAGHIHIWALAY ng landas at iisa lamang ang matitira sa itaas sa sagupaan ng Blackwater Elite at nagdedepensang kampeong Barangay Ginebra ngayon sa Smart Araneta Coliseum.
Kapwa may 3-0 kartada ang Elite at Gin Kings at magkasalo sa liderato ng PBA Governors Cup.
Matapos na matisod ang TNT KaTropa, 104-98, at San Miguel Beer, 103-100, ay naungusan ng Blackwater ang NorthPort, 113-111 nitong Miyerkules.
Mainit din ang panimula ng Ginebra sa torneyong ito ay tumuhog ng mga panalo laban sa Columbian Dyip, 96-84, Alaska Aces, 109-101, at NorthPort, 104-98.
Mangunguna para sa Blackwater sina Poy Erram, Alein Maliksi, Mike Digregorio at import Henry Walker habang sasandalan naman ng Ginebra sina Japeth Aguilar, Scottie Thompson, LA Tenorio at import Justin Brownlee.
Mag-uumpisa ang laban ganap na alas-7 ng gabi pagkatapos ng sagupaan sa pagitan ng wala pang panalong Columbian Dyip at paboritong San Miguel Beer. —Angelito Oredo

Read more...