Anong gagawin pagkaretiro?

ATENG Beth,

Isa po akong byuda at merong dalawang anak na parehong may asawa na rin. Maganda naman ang buhay ng mga anak ko sa piling ng kani-kanilang pamilya.

Nagwo-work pa rin naman ako, pero next year ako’y magreretiro na.

Ang problema ko lang po Ateng Beth ay hindi ko alam kung dapat ba akong pumisan sa isa sa mga anak ko.

Balak kong bumili ng maliit na bahay sa perang tatanggapin ko sa retirement. Kaya lang, aanhin ko naman ang bahay na wala naman akong makakasama? Pero siyempre nakakahiya naman kung pipisan ako sa mga anak ko, nakakahiya sa mga asawa nila.

Saan ba mas mabuting ilaan ang pera na makukuha ko? Matanda na ako at gusto ko ring ma-experience ang mga bagay na di ko nagawa noong bata-bata pa ako.

Pero hindi ba masyadong selfish yon? Ibibigay ko ba yun sa mga anak ko?

Elvira, Paranaque City.

Mother Elvira, congrats sa iyong retirement!

Ako, bilang anak, syempre gusto ko makasama nanay ko.

Pero bilang kaibigan sasabihin ko sa inyo na maigi na ring nakabukod ka, para di imposing sa kanila at sa binubuo nilang pamilya.

It works two way kasi. Para ma-enjoy mo ang retirement mo at magawa mo ang iyong gusto. Sa totoo lang, liberating ang mag isa, lalo na’t kilala mo ang sarili mo at enjoy ka sa pagkatao mo.

May pros and cons siya, kumbaga. So kung ikaw ang tao na di makapag-isa, kuha ka ng ka-mag-anak na close sa ‘yo at pinagkakatiwalaan mo.

Siyempre bilang magulang gusto nating subaybayan ang buhay ng anak natin. Pero paano sila matututo kung lagi ta-yong nakagwardya? Kaya hayaan natin sila sa sarili nilang buhay.
Kahit hindi mo sila makasama may mga paraan naman para makita mo sila at ma-enjoy mo rin ang freedom mo.

Maganda rin magbuo ng tradisyon. Kunwari every weekend, dyan sila sa inyo mag-lunch o every Wednesday night, bonding n’yong mag-iina. Kahit once a month lang. Pero kung hindi kaya, e di ikaw ang dumalaw sa kanila, kahit man lang maipagluto sila o mga apo mo.

Hindi kasakiman na i-enjoy ang buhay mo at gawin ang mga gusto mong gawin pero di mo nagawa. Unless nanga-ngailangan sila talaga. Pero sabi mo nga, OK naman buhay nila. Kaya enjoyin mo yang pinaghirapan mo.

Maganda rin na maglaan ka para sa-alam-mo-na. Para di na nila problemahin yun pagdating ng panahon.

Makipag usap ka sa mga financial adviser para may mapaglagyan ka ng perang pagkakakitaan pa rin.

Gawin mo yung gusto mong gawin, mother!

Be happy and enjoy!

Read more...