HUMANGA ang mga miyembro ng entertainment media sa anak ni former Sen. Bong Revilla na si Luigi Revilla dahil sa pagiging diretso at honest nito sa pagsagot sa mga tanong.
Humarap si Luigi sa press para sa promo ng trilogy movie na “Tres” under Imus Productions kung saan makakasama niya for the first time ang mga kapatid na sina Jolo at Bryan Revilla.
Dito nga natanong si Luigi kung paano siya natanggap ni Lani Mercado bilang anak ni Bong sa ibang babae, naging totoo naman ang tugon ng aktor, “When I first went to Alabang parang never kong na-feel na I wasn’t welcome.
“From day one I’m sure kahit paano masakit ‘yun kay tita Lani kasi we can’t deny naman na may anak si Papa sa labas. Pero grabe bilib ako sa pag-handle niya ng situation kasi she never made me feel na I was out of place especially when I visit siya pa yung nagpapakain sa akin. I love tita Lani, I see her as my second mom.
“And my mom and her are okey also and I’m just really happy and blessed that she and my siblings accepted our family, ngayon sobrang close kami,” kuwento pa ni Luigi.
Dagdag pa niya, “Even my wife and tita Lani, close rin sila. Nagbibigayan pa nga sila ng gifts minsan. She never forgets about my wife.”
Samantala, umaasa si Luigi na pagkatapos ng “Tres” at kapag nagtagumpay ito sa takilya ay magtuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career. Mas seryoso at mas confident na raw siya ngayon bilang aktor at willing din daw siya matuto pa.
Si Luigi ang bibida sa episode na “Amats” sa pelikulang “Tres” kung saan makakasama niya sina Assunta de Rossi, Markki Stroem at Myrtle Sarroza sa direksyon ni Dondon Santos.
Tulad ng episode nina Jolo (72 Hours) at Bryan (Virgo), punumpuno rin ng aksyon ang “Amats”. Naikuwento nga ni Luigi na sa isang maaksyon at buwis-buhay scene niya sa “Amats” ay natanggalan ng ngipin si Markki.
Bilang isang Muay Thai expert, hindi sinasadya ni Luigi na napalakas ang sipa niya na tumama sa mukha ni Markki, “Medyo tinamaan ko siya nu’ng sinipa ko. Pagkasipa ko, nahulog siya. Akala namin, akting.
“Even yung DOP (director of photography), cameramen namin, sabi, ‘Uy ang ganda nu’ng sipa na yun. Sapul na sapul. After that, nagko-complain na siya. Parang masakit ang jaw niya.
“Nagpatawag na kami ng nurse. Even if natamaan na siya, hindi siya maarte. Itinuloy pa rin niya ang shooting. The next day, natanggal nga yung ngipin niya.
“So sobrang nahiya ako. After nu’n, nag-usap pa kami na parang wala lang. Sabi niya, ‘No bro. It’s ok.’ Mabuti na lang hindi front teeth,” kuwento pa ni Luigi sa presscon ng “Amats.”
Showing na sa Oct. 3 ang “Tres” nationwide produced by Imus Productions to be released by Star Cinema.